INANUNSIYO ng Miss International 2023 pageant ang magiging date at venue ng kanilang coronation night.
Sa anunsiyo, October 26 sa Yoyogi Gymnasium No. 2, Tokyo, Japan ipapasa ni Jasmin Selberg ng Germany ang kaniyang korona.
Irerepresenta naman ni Nicole Borromeo ng Cebu ang Pilipinas sa Miss International 2023.
Sa kasaysayan ng Pilipinas, anim na mga Filipina na ang nakasungkit ng Miss International Title.