PINAALALAHANAN ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Department of Health (DOH) ang publiko na iwasan ang manigarilyo sa mga pampublikong sementeryo at memorial parks.
Ito ay sa gitna ng paggunita ng Undas o All Saints’ Day at All Souls’ Day sa Nobyembre 1 at 2.
Ayon kay MMDA acting Chairman Carlo Dimayuga III, ang lahat ng local government units (LGUs) sa National Capital Region at may kanya-kanyang comprehensive smoke-free ordinances.
Mayroon aniya ang Metro Manila LGUs na binuong smoke-free task forces na nagtitiyak na nasusunod ang smoke-free policies.
Ang mga lalabag ay maaring maharap sa multang mula P500 hanggang P5,000.
Samantala, pinayuhan din ni Dimayuga ang mga bibisita sa puntod ng kanilang pumanaw na mga mahal sa buhay na maging maingat at sumunod sa COVID-19 minimum health protocols.