LUMAGDA sa isang memorandum of agreement ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at ang Land Transportation Office (LTO) para sa accreditation ng MMDA Motorcycle Riding Academy at mga pasilidad nito bilang Practical Driving Examination Center (PDEC).
Sa nasabing kasunduan, kinakailangang maisagawa sa Motorcycle Riding Academy ang mga motorcycle maneuvers gaya ng serpentine maneuver, left turn and stop in the box, cone weave and U-turn, at acceleration and sudden braking.
Magkakaroon naman ng interconnection ang naturang riding academy sa Land Transportation Management System (LTMS).
Magtatalaga naman ang LTO ng driver’s skills rater para magsagawa ng practical driving examination.
Isinusulong ng Motorcycle Riding Academy ang kaligtasan sa kalsada sa pamamagitan ng pagbibigay ng theoretical at practical trainings sa mga motorcycle riders.
Layunin din nitong mabawasan ang bilang ng mga aksidenteng kinasasangkutan ng mga motorsiklo.