MMDA, may handog na libreng sakay sa Commonwealth Avenue

MMDA, may handog na libreng sakay sa Commonwealth Avenue

MAGBIBIGAY ng libreng sakay ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga pasahero sa Commonwealth Avenue tuwing umaga simula ngayong araw.

Ayon kay Chairman Romando Artes, nagdeploy sila ng anim na bus at dalawang military trucks para sa nasabing programa.

Magsisimula ang libreng sakay mula 6:00 ng umaga hanggang 8:00 ng umaga.

Mula Commonwealth Avenue hanggang Welcome Rotonda ang mga ruta nito.

Pero ayon kay Artes, pansamantalang solusyon lamang ito.

Aniya kinakailangan dagdagan pa ang mga bus na bumibiyahe sa Commonwealth Avenue upang matugunan ang muling pagdami ng mga commuters.

Makikipagpulong ang MMDA sa mga bus operator at LTFRB para sa karagdagang  mga bus units.

BASAHIN: ‘Oplan Metro Alalay Semana Santa’ ng MMDA, ikakasa na ngayong araw

Follow SMNI News on Twitter