NASAWI ang isang motorcycle rider na si Victor Steeman, matapos magtamo ng matinding pinsala matapos aksidente itong tumaob sa FIM Supersport 300 World Championship’s Race 1 sa Portugal.
Sa pahayag na inilabas ng The Fédération Internationale de Motocyclisme, hindi nakayanan ni Steeman ang mga tinamong sugat dahilan sa pagpanaw nito.
Si Steeman ay unang lumahok sa isang Pro Motorcycle Race sa World Supersport 300 full-time noong 2019 at nagtala ng 4 na panalo, 5 podium at 3 pole position ngayong season.
Gumawa rin ng kasaysayan ang Dutch rider sa pagkakaroon ng pinakamaraming pole position sa World Supersport 300 Class sa Circuit de Barcelona-Catalunya.
Matapos mabalitaan ang pagpanaw ni Steeman ay agad nagpa-abot ng pakikiramay ang mga nakasama nito sa karera lalong-lalo na ang pamilya nito.