PUMANAW na ang utak ng multi-billion peso pyramiding scam na si Jachob “Coco” Rasuman ayon sa Bureau of Corrections (BuCor).
Myocardial infarction ang ikinasawi ni Rasuman nitong Linggo ng tanghali sa New Bilibid Prison (NBP) batay sa kumpirmasyon ni BuCor Deputy Director General for Administration Gabriel Chaclag.
Si Rasuman ay anak ni dating DPWH Usec. Bashir Dimaampo Rasuman.
Nag-ooperate ito ng investment scheme sa Lanao del Sur kung saan nakakuha ito ng 247 million pesos mula sa daan-daang investors mula sa bansa at Singapore.
Estafa ang ikinaso kay Rasuman noong 2012 kasama ang siyam na kasabwat nito.