Muntinlupa, hiniling sa PhilHealth at DOH na isali ang may mga mental disorder sa insurance coverage

Muntinlupa, hiniling sa PhilHealth at DOH na isali ang may mga mental disorder sa insurance coverage

HINILING ni Muntinlupa Rep. Jaime Fresnedi sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) at Department of Health (DOH) na pag-aralan ang posibilidad na isama sa medical insurance coverage ang gastusin ng mga pasyenteng may mental disorder.

Ginawa ni Fresnedi ang anunsyo kasabay sa pagdiriwang ng World Suicide Prevention Day noong Setyembre 10.

Sa datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA), sinabi ni Fresnedi na tumaas ng 57.3 porsyento ang suicide rate o pagkamatay sa bansa dahil sa intensyonal na pananakit sa sarili noong 2020 sa gitna ng COVID-19 pandemic kumpara noong 2019.

Aniya, simula nang buksan ang Mental Health and Wellness Program sa Muntinlupa, dumami na ang mga komunsulta hinggil dito at marami sa kanila ay may anxiety at depression.

Dagdag pa nito kung accessible ang Mental Health and Wellness Program, mas marami ang matutulungan at posibleng maiiwasan ang mga kaso ng intentional self-harm.

Follow SMNI News on Twitter