TINAGURIANG highest-grossing rock tour ever ang “Music of the Spheres” tour ng British band na Coldplay.
Ayon sa datos ng Billboard Boxscore, nasa $945.7-M ang total gross ng nabanggit na tour sa kasalukuyan.
Katumbas ito ng 8.8-M tickets na naibenta simula noong Marso 2022.
Nalampasan na nito ang record ng “Farewell Yellow Brick Road” tour ni Elton John na may gross na $939-M.
Sa ngayon ay mayroon pang natitirang 21 shows ang Coldplay at siyempre, aasahang tataas pa ang gross ng kanilang tour.