Muslim rebellion, unti-unti nang nawawala – Pang. Duterte

Muslim rebellion, unti-unti nang nawawala – Pang. Duterte

MASAYANG ibinalita ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa exclusive interview ni Pastor Apollo C. Quiboloy na unti-unti nang nawawala ang Muslim rebellion sa Mindanao.

Ayon kay Pangulong Duterte, ito ay dahil sa patuloy na pagpapahalaga ng gobyerno sa mga kababayan nating Muslim.

Dagdag pa ni Pangulong Duterte, nagkaroon na ng kapayapaan sa Mindanao dahil inalis na ang ugat ng problema.

“I think we have relatively a peaceful, Mindanao Pastor, the contentious issues from the yesterdays, were the BARMM at napagbigyan naman natin si Moran and ah dito sa Jolo, inorderan ko ang armed forces to place one division, marami yan, and so medyo nakalma na. For the longest time we have not heard any kidnapped victim,” ayon kay Pangulong Duterte.

Saad pa ni Pangulong Duterte, walang diskriminasyon sa kanyang administrasyon.

Aniya, binigyan niya ng pagkakataon ang lahat na makapag-trabaho sa gobyerno mapa-Muslim ka man o Kristiyano.

“We had a good rapor with the more Moro of Mindanao, and I think just allowed them in the governance of our country, and give them enough elbow room to, you know, just govern without interference of armed groups,” saad ni Pangulong Duterte.

Kaya naman, sinabi ng Pangulo na unti-unti na ring nawawala ang galit sa puso ng ilang mga kababayan nating Muslim.

“The Moro hatred dahan dahan nawala sa kanila, because napagbigyan natin sila sa lahat, ano hiningi nila?, as a matter of fact my last humarap pinakamarami sa administration ko na maraming mga Moro, si Saidamin is the new chairman of the Commission on Elections he just assumed office the other day he is a Maranao, tsaka sa Supreme Court at Court of Appeals at yung mga director sa mga agencies, even in the cabinet,” paliwanag ng Pangulo.


Follow SMNI NEWS in Twitter