PUMALO na sa mahigit isang milyong indibidwal ang naapektuhan ng pag-ulan dulot ng pinagsamang pwersa ng Amihan at trough ng low pressure area (LPA) sa limang rehiyon sa Mindanao.
Kabilang sa mga rehiyon na ito ang Region 10, 11, 12, CARAGA, at BARMM.
Bukod sa mga naapektuhan, nakapagtala rin ang National Disaster Risk Reduction & Management Council (NDRRMC) ng 18 nasawi, 11 sugatan at tatlong nawawala.
Isinailalim naman sa state of calamity ang Davao de Oro dahil sa epekto ng ulan sa probinsiya.
Sa ngayon, aabot sa higit P40-M ang naipaabot na ayuda ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan sa mga apektadong residente.