Pinoy game app tampok ang likas na yaman ng Siargao, binuo ng DOST-NRCP

Pinoy game app tampok ang likas na yaman ng Siargao, binuo ng DOST-NRCP

BUMUO ang Department of Science and Technology-National Research Council of the Philippines (DOST-NRCP) ng isang game application.

Ito ay upang hikayatin ang mga mag-aaral na malaman pa ang mayamang biodiversity ng isla ng Siargao.

Ang nasabing game application na “Siargao Flora & Fauna Puzzle” ay isang offline na laro katulad ng isa sa mga kilalang mobile games na Candy Crush.

Ipinakilala sa nasabing game app ang mga bagong uri ng hayop sa kada level ng laro.

Ipinauunawa rin sa bawat level ang tirahan at kilos ng mga natural na kayamanan ng Siargao tulad ng Mindanao Flying Tree, Paka Gadikit, at Platymantis Paka sa pamamagitan ng tampok ng aplikasyon na tinatawag na “Siargao Journal.”

Pinondohan ang nasabing game app ng NCRP.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble