SINABI ni Spanish World Number Two Rafael Nadal, na hindi ito makapaglalaro sa loob ng hanggang 8 linggo matapos itong magtamo ng left hip flexor injury sa kalagitnaan ng kanyang kagulat-gulat na pagkatalo sa Australian Open.
Ayon kay 22-time grand slam winner, matapos siyang matalo ay agad siyang nagpa medical test at nakita rito ang grade two lesion sa kanyang kaliwang binti.
Dahil dito, posibleng hindi makasali si Nadal sa ATP 1000 Indian Wells at Miami Events sa Marso na ikabababa ng world rankings nito.
Matatandaan na natanggal ang defending champion na si Nadal sa Australian Open noong Miyerkules matapos itong talunin ng 65th-ranked American na si Mackenzie McDonalds sa second round.
Inamin naman ni Nadal na ikinalulungkot nito ang pangyayari at sinabing sa kanyang edad, hindi lamang siya nahihirapan sa pagtatamo ng injuries kundi na rin sa recovery process nito.
Nakatakdang pansamantalang magpapahinga si Nadal at sasailalim din ito sa anti-inflammatory physiotherapy.