HALOS 90 kandidato ng 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ang nadiskwalipika ayon sa Commission on Elections (COMELEC).
Sa datos, sa 77 kandidato, pito dito ay nadiskwalipika lang nitong Disyembre dahil sa mga kaso tulad ng premature campaigning at vote-buying.
Mayroon ding isa na tinanggal sa puwesto dahil sa pagkakaroon ng administrative case.
Ayon sa COMELEC, aasahang madagdagan pa ito bago matapos ang taon.