Balungao Mayor Riza Peralta, nag-alok ng ‘genuine unity’ sa lahat ng bagong halal na Barangay at SK officials

Balungao Mayor Riza Peralta, nag-alok ng ‘genuine unity’ sa lahat ng bagong halal na Barangay at SK officials

PINANGUNAHAN ni Balungao Mayor Riza Peralta kasama si Vice Mayor Philipp de Guzman Peralta ang oathtaking ng mga bagong halal na Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) officials kahapon, Nobyembre 23, 2023 sa lalawigan ng Pangasinan.

Sa kaniyang mensahe, inaalok ni Mayor Riza Peralta ang ‘genuine unity’ sa mga re-elected at newly elected officials sa Barangay at sa SK para sa matibay na kooperasyon partikular na sa serbisyong publiko.

“To everyone, hindi ko alam kung papaano ko i-express sa inyo pero I am offering genuine unity to everyone. Ibig sabihin ‘pag pumunta po ako we will work together and sit down because hindi tayo puwedeng magiging divided because they said when you are divided you are easily conquered. And so now if I say unity sana malaman ninyo ‘yan na genuine ang ini-offer ko,” ayon kay Mayor Riza Peralta, Balungao, Pangasinan.

Payo ni Peralta, itabi na ang pulitika at patunayan ang pagiging karapat-dapat na pagsilbi bilang mga public servant.

Umaasa si Peralta na mamahalin ng mga bagong opisyal ang kanilang trabaho na maglingkod sa mga tao nang walang pag-aalinlangan at walang pinipili.

Itinuturing ni Peralta bilang ‘puso’ o tulay ang Barangay at SK officials sa mga pangangailangan ng kanilang mga nasasakupan sa barangay para maipaabot ang mga ito sa pamahalaang lungsod ng bayan.

Kaugnay naman sa nakaraang halalan ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Balungao ay generally peaceful ito ayon sa hepe ng pulis si PMaj. Jimmy P. Paningbatan at patuloy ang hanay ng kapulisan sa kanilang mandato sa seguridad dahilan para manatiling drug-free ang lugar.

 “Sa bayan po ng Balungao sa guidance na rin po ng ating provincial director, ang ating kapulisan ay full force sa pagsagawa ng kanilang mga tungkulin lalong-lalo na itong ating police presence, at ang ating mga checkpoints, OPLAN Sita, at sa atin pong mga matataong lugar nagka-conduct din po tayo ng OPLAN Bandillo o ‘yung pagsasagawa ng nagsasalita ang ating pulis, pagbibigay ng mga tips upang maiwasan ang anumang salisi o mga krimen na mangyari sa ating mga palengke,” ayon kay PMaj. Jimmy P. Paningbatan, Chief of Police, Municipal Police Station.

Samantala, sa eksklusibong panayam ng SMNI News North Luzon kay Mayor Peralta, pinuri nito ang buong suporta ng Philippine National Police (PNP) Balungao para mapanatili ang kaayusan ng bayan.

Labis ding ipinagmamalaki ng mayora ang Balungao Adventure at ang hot spring dahil inirerekomenda ito ng mga turista na bumisita rito.

Nagpaabot naman ng pasasalamat sa SMNI News at DZRD 981 Sonshine Radio si Peralta dahil naging kapartner ito para mai-promote ang kagandahan ng Balungao.

“And of course, nagpapasalamat ako, ang ating katuwang SMNI, lagi kayong nandiyan and of course kayo mismo katulung namin sa pagpo-promote ng napakagandang bayan na ito and of course Sonshine Radio, isa sa talagang partner natin, walang oras na hindi ako binigyan ng time na anytime na gusto ko talagang pumasok sa kanilang station. Thank you very much,” dagdag ni Mayor Peralta.

Walang ibang pangarap si Mayor Peralta sa lahat ng bagong halal na opisyal kundi ang tunay na pagkakaisa sa trabaho, respeto sa bawat isa at ang tunay na serbisyo sa tao.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble