ARESTADO ang isang nagpapakilalang empleyado ng Office of the Vice President (OVP) sa San Jose del Monte Bulacan.
Ayon sa pulisya, modus ng suspek na magsolicit ng pondo o humingi ng mga financial assistance sa mga opisyal ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) regional offices.
Kaugnay nito, binalaan ni OVP spokesperson Attorney Reynold Munsayac ang publiko laban sa mga indibidwal o grupo na nagpapanggap na mga kawani ng OVP.
Payo ni Munsayac, iberipika muna ang pagkakakilanlan ng mga tao na nagpapakilala na may kaugnayan sa OVP.
Para makasiguro, maari aniyang tumawag sa mga official OVP telephone number na 8532-5942 o 8370-1719.