NAIA, naglagay ng karagdagang 8 Immigration counters

NAIA, naglagay ng karagdagang 8 Immigration counters

NAGBUKAS ng walong karagdagang Immigration counters sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Sinabi ng Manila International Airport Authority (MIAA) na hakbang ito ng paliparan para matugunan ang mahabang pila ng mga pasahero kasunod sa terminal reassignment.

Sa kasalukuyan ay 44 na ang Immigration counters sa Terminal 3.

Magkakaroon din ng anim na iba pang counters sa Immigration Annex ngayong taon ayon sa Media Affairs Division ng MIAA.

Hulyo 1 nang ibinalik sa Terminal 2 ang ilang domestic flights ng NAIA.

Saklaw sa pagbabago ang domestic flights ng AirAsia at Royal Air Philippines.

Nananatili naman sa Terminal 3 at 4 ang domestic flights ng Cebu Pacific.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter