MATAAS na agad ang naitalang utang ng Pilipinas sa pagpasok ng 2025.
Sa ulat ng Bureau of the Treasury, umabot na sa P16.31T ang utang ng gobyerno nitong Enero.
Mas mataas ito ng 1.63% kumpara sa P16.05T noong Disyembre 2024.
Nang matapos ang 2024, umabot na sa 60.7% ang debt-to-GDP ratio ng Pilipinas, mas mataas sa internationally accepted na 60%.
Ang debt-to-GDP ratio ay sukatan ng laki ng utang ng gobyerno kumpara sa laki ng ekonomiya ng bansa sa isang partikular na panahon.
Kung mas mababa ang ratio, kayang-kaya ng bansa na mabayaran ang kanilang utang nang walang epekto sa ekonomiya.