Nakakulong na dating lider ng Myanmar, inilipat sa house arrest mula bilangguan

Nakakulong na dating lider ng Myanmar, inilipat sa house arrest mula bilangguan

INILIPAT mula sa bilangguan patungo sa house arrest ang dating lider ng Myanmar na si Aung San Suu Kyi upang maiwasan ang heatstroke dahil sa sobrang init ng panahon.

Ayon sa junta military, ang panukala ay ginawa sapagka’t nangangailangan ng dobleng pag-iingat para sa kalusugan ng dating lider ng Myanmar dahil na rin sa katandaan nito.

Gayundin ang ginawa sa pangulong si U Win Myint. Ang parehong mga pinuno ay hawak ngayon ng militar mula ng agawin ng junta ang kapangyarihan sa isang kudeta noong Pebrero 2021, na nagdulot ng isang malawakang kaguluhan.

Subalit hindi ito pinaniniwalan ng mga anti junta, ayon sa kanila kailangang malaman ng mamamayan ng Myanmar kung saan dinala ang mga lider na kanilang inihalal at sabihin ang totoong kalagayan ng dalawa.

Si Aung San Suu Kyi ay nahatulan ng pagkakasala sa pagtatraydor at katiwalian hanggang sa paglabag sa  telecommunication law na pawang itinanggi nito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble