SUMAKAY sa isang garbage truck ang inmate ng New Bilibid Prison (NBP) na si Michael Cataroja upang makatakas.
Sa isang video na ibinahagi ng Bureau of Corrections (BuCor), sinabi ni Cataroja na kumapit ito sa ilalim ng truck.
Ayon pa kay LtGen. Rhoderick Armamento, commander ng PNP Area Police Command- Southern Luzon, kinopya pa ni Cataroja ang visitor stamp ng NBP sa kaniyang braso gamit ang ballpen para makalagpas sa security.
Hulyo 15 nang maiulat si Cataroja na nawawala subalit naaresto lang din ito muli sa unang bahagi ng Agosto.