PUMALO na sa 17 ang mga napaulat na nasawi dahil sa masamang panahon na dulot ng Low Pressure Area at shearline simula pa noong Enero 2, 2023.
Sa 6am report, iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na 5 sa mga nasawi ay naiulat sa Bicol, tig-4 sa Zamboanga at Northern Mindanao, 3 sa Eastern Visayas at 1 sa Davao.
Ayon sa NDRRMC, 4 pa lamang sa mga naiulat na nasawi ang kumpirmado.
Habang 2 katao ang nanatiling nawawala at 7 ang naiulat na nasugatan.
Batay sa NDRRMC, 121,950 pamilya o 523,991 indibidwal ang apektado ng masamang panahon sa Cagayan, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga, Northern Mindanao, Davao, Soccsksargen, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Sa nasabing bilang, 13,238 families o 70,617 indibidwal ang nananatili sa 123 evacuation center at 218 pamilya o 825 indibidwal ang nasa labas ng evacuation center