Nasa likod ng paglabas pasok ni Jad Dera sa selda ng NBI, hindi sasantuhin ng DOJ

Nasa likod ng paglabas pasok ni Jad Dera sa selda ng NBI, hindi sasantuhin ng DOJ

IGINIIT ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla na wala silang sasantuhin sa mga nasa likod ng paglabas pasok ni Jad Dera sa detention facility ng National Bureau of Investigation (NBI).

Sa Senate hearing, inamin ng high profile detainee na si Jad Dera na ilang beses na nitong nagawang maglabas pasok sa high profile detention sa NBI.

Ilan sa mga napuntahan nito ay ang Calatagan, Batangas, Subic, Tagaytay, at ilang restaurants sa Metro Manila.

Ang huling paglabas ni Dera sa selda bago ito naaresto ay naipagpalaam aniya sa mga taga- NBI.

Sa pagharap ni Remulla, iginiit nito na wala silang sasantuhin sa mga nasa likod ng paglabas pasok ni Dera.

Intermission number ng mga babae sa command conference ng NBI, tinuligsa ng DOJ

Maliban dito, paiimbestigahan na rin ng DOJ ang umano’y hindi katanggap-tanggap na intermission number ng mga babaeng sumasayaw habang nagkakaroon ng command conference ang NBI sa loob ng Diamond Hotel.

Intolerable aniya ang ganitong uri ng misconduct behavior.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter