UMAKYAT na sa 44 ang mga naiulat na nasawi sa masamang panahon dulot ng low pressure area (LPA), northeast monsoon at shear line sa bansa.
Batay ito sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong Miyerkules Pebrero 1.
Nagmula ang mga nasawi sa Mimaropa, Bicol Region, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao Region at Soccsksargen.
Habang may naiulat din na 11 nasaktan at 8 nawawala. nasawi sa masamang panahon
Umabot na mahigit 497,000 pamilya o mahigit 2 milyong indibidwal ang naaapektuhan ng masamang panahon sa 2,705 barangay.
Samantala, sumampa sa mahigit 521 milyong piso ang pinsala sa imprastraktura at mahigit 1 bilyong piso ang pinsala sa agrikultura.