MULING ibinalik ng singer at aktor na si Ronnie Liang ang tradisyon nito na ipagdiwang ang kanyang kaarawan kasama ang mga cancer patients sa Philippine Children’s Medical Center.
Ibinahagi ni Liang sa kanyang official Instagram account ang mga larawan ng kanyang selebrasyon kasama ang mga batang mayroong cancer.
Ani Ronnie, nagpapasalamat siya sa Diyos dahil sa muli niyang naibalik ang kanyang tradisyon ng 15 taon na pansamantalang naudlot dahil sa pandemya.
Ani Liang, masaya siya dahil sa nakapagbigay siyang muli ng laruan, pagkain at ilang gamot at supplements na makakatulong upang mabawasan ang paghihirap na nararanasan ng mga bata.
Matatandaan na noong Abril din ng nakaraang taon nang ilunsad ni Liang ang kanyang advocacy project na “Project Ngiti” na naglalayong matulungan ang mga kabataang mayroong cleft lip and palate na sumailalim sa operasyon.