INIHAYAG ng National Nutrition Council (NNC) na patuloy na tumataas ang Hunger Incidence Rate sa bansa lalo na noong dumating ang pandemya.
Kasunod nito ayon kay NNC Executive Director Asec. Azucena Dayanghirang, ay ang pagtaas o paglobo ng child malnutrition sa bansa.
Aniya ang pagbabalik ng National Nutribun Feeding Program ay makatutulong para malabanan ang malnutrisyon.
Taglay aniya ng Nutribun ang sustansya na kailangan ng mga bata tulad ng iron, vitamin A, zinc, potassium at protina.
Ayon pa kay Dayanghirang, maganda na makapamahagi rin ng Nutribun sa mga 0-2 years old na mga bata, sa mga buntis at nagpapasuso.
Matatandaan na kasabay ng kaarawan ni PBBM kahapon ay inilunsad ang pilot test para sa Enhanced Nutribun Feeding Program sa Rizal, Ilocos Norte at sa Cebu sa mga bata na may edad 3-5.