Nationwide simultaneous earthquake drill, gagawin sa Hunyo

Nationwide simultaneous earthquake drill, gagawin sa Hunyo

ISASAGAWA ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang second quarter online nationwide simultaneous earthquake drill sa buwan ng Hunyo.

Sa pahayag ng NDRRMC, gagawin ang aktibidad sa June 10, alas-nuwebe ng umaga.

Mapapanood din dito ang ceremonial pressing ng button sa social networking site ng office civil defense at NDRRMC.

Samantala, suspendido pa rin ang pagsasagawa ng evaluation drill at iba pang scenario bilang pag-iingat sa COVID-19 kung kaya’t hinikayat ang publiko na makiisa sa paghahanda sa lindol sa pamamagitan ng naturang virtual activities.

 

SMNI NEWS