Inalok ng naturalisasyon sa Japan ang Filipino volleyball star player na si Jaja Santiago.
“Kalagitnaan palang ng liga, kinakausap na nila ako na mag-stay ng maraming taon pa. Gusto nila akong tulungan na palitan ‘yung nationality ko actually,”
“Well, may dream akong maglaro ng Olympics, pero gusto ko munang … syempre may pride pa rin naman ako, Pilipino pa rin naman ako di ba? Gusto kong tulungan ‘yung bansa natin. Doon sa goal ko na ’yun, gusto ko kasama ko yung mga kapwa Pilipino ko.
“Kung wala talagang chance, why not? It’s on the back of my mind na pwede,” pahayag ni Santiago sa isang interview.
Inalok ng naturalisasyon ng Saitama Ageo Medics si Jaja Santiago kasunod ng pagiging valuable player nito sa grupo sa nagpapatuloy na Japan V cup.
Inihayag ng dating National University Star ang ulat na ito matapos maging matagumpay ang free agency nito.
Kung sakali, ang kwalipikasyon ng middle blocker na si Jaja sa V league ay magiging lokal na mula sa reinforcement.
Samantala, kahit na ikinukunsidera umano ito ni Jaja, nais pa rin nyang magpatuloy sa pagrerepresenta sa Pilipinas.
Mananatili naman si Jaja sa Saitama kasama ang kanyang team kumpara sa pagtanggap ng oportunidad mula sa ibang team sa V league at sa iba pang mga bansa.
Kasama ang nagungunang manlalaro ng volleyball ng bansa ay kinatawan ng bansa noong 2015 at 2017 Southeast Asian Games, Asian U-23 Women’s Championships, 2016 and 2017 AVC Asian Women’s Club Championship, 2017 Asian Women’s Seniors Championship, and 2016 FIVB Women’s Club World Championship, at 2018 Asian Games.
Kung maaalala hindi ang Japan ang unang banyagang bansa ang gustong mag-recruit kay Santiago, 8 taon ang nakalipas 17 taong gulang na si Jaja ay inanyayahan para subukan sa isang puwesto sa koponan ng volleyball na pambabae sa University of California-Los Angeles (UCLA).
Ngunit tinanggihan ni Santiago ang alok dahil nag-aalangan ito na malayo sa pamilya.
(BASAHIN: Tokyo Olympics, nais ipagpaliban ng karamihan sa mga residente sa Japan)