PAPALITAN ng NBA ang pangalan ng annual regular-season most valuable player award sa legendary star na si Michael Jordan na napanalunan ang nasabing award ng limang beses sa team ng Chicago Bulls.
Ibinunyag ng liga ang bagong disenyong Michael Jordan trophy kasama ang limang reimagined trophies na ipinangalan sa League Pioneers na ipepresenta na ngayon sa End-of-Season award winners ng NBA.
Si Jordan na isang 6-time NBA champion ay nagawang manalo ng 5 MVPs sa kanyang 15-season career ay kapantay si Kareem Abdul-Jabbar na may 6 na MVA awards.
Ang Social Justice Champion award naman ng NBA ay ipinangalan para kay Abdul-Jabbar.
Ang iba pang renamed awards ay ang Hakeem Olajuwon trophy para sa Defensive Player of the Year, Wilm Chamberlyn Trophy para sa Rookie of the Year, John Havlicek trophy para sa Sixth Man of the Year at George Mikan trophy para sa Most Improved Player.