NCR Plus residents, makatatanggap ng ayuda mula sa gobyerno —Malacañang

MAKATATANGGAP ng ayuda mula sa gobyerno ang mga indibidwal na apektado ang kabuhayan dahil sa isang linggong Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa ”NCR Plus” Bubble.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, natukoy na nang gobyerno kung saan kukunin ang pondo na gagamitin sa assistance program.

Sinabi ni Roque na iaanunsyo niya ang mga detalye ukol dito sa kanyang regular noontime press briefing.

Binanggit din nito na mayroon lang tatlong working days sa panahon ng ECQ week dahil non-working holidays ang Maundy Thursday at Good Friday.

Simula ngayong araw, Marso 29 hanggang Abril 4, nakasailalim sa ECQ ang NCR, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.

(BASAHIN: ECQ, ipatutupad sa NCR Plus simula sa Lunes, Marso 29)

SMNI NEWS