NAKATAKDANG pirmahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa Biyernes, Hulyo 7, 2023 ang New Agrarian Emancipation Act.
Layunin ng panukalang ito ang mai-condone ang aabot sa P57-B na halaga ng utang ng mahigit 600-k na agrarian reform beneficiaries.
Saklaw naman nito ang 1,173,101.575 ektarya ng lupaing sakahan.
Kasabay ng paglalagda ni Pangulong Marcos sa panukala ay ang pamamahagi na rin ni Department of Agrarian Reform (DAR) Sec. Conrado Estrella III ng aabot sa 26, 177 land titles sa 23,699 na benepisyaryo sa buong bansa.