New Philippine Passport Bill, aprubado na sa second reading sa Kamara

New Philippine Passport Bill, aprubado na sa second reading sa Kamara

APRUBADO na sa ikalawang pagbasa sa Kamara ang ipinanukalang New Philippine Passport Law.

Ang tinutukoy na panukala ay ang House Bill No. 6510 kung saan ipatutupad ng Department of Foreign Affairs ang isang sistema na sakaling mag-renew ng kanilang passports ang senior citizens ay maaari na itong hindi pisikal na pumunta.

Gagamit na lang ng teknolohiya upang mai-renew ang passport.

Sa naturang panukala rin ay bibigyan ng 50% discount sa bayad ng process, issuance, o replacement ng passport ang mga senior citizen na may disability.

Inalis sa panukala ang pagpapahintulot sa travel o recruitment agencies na mag-aplay ng passport bilang representative ng isang indibidwal.

Pagmumultahin din sa panukala ang lahat na mahuhuling gumagawa ng illegal withholding of passports, issuance, forgery, improper use of passports at travel documents maging ang multiple possessions of passports ng isa hanggang dalawang milyong piso.

Follow SMNI NEWS in Twitter