Nigerian national, patay sa  buy-bust operation sa Quezon City

Nigerian national, patay sa buy-bust operation sa Quezon City

PATAY ang isang Nigerian national sa kinasang drug buy bust operation ng pinagsanib puwersa ng mga anti-narcotic group sa bahagi ng Batasan-San Mateo Road Batasan Hills, Quezon City ng alas 11:10 kagabi ng Pebrero 27, 2022.

Batay sa report ni QCPD District Director Police Brig General Remus Medina, kinilala ang suspek na napatay na si Ejiofor Smart Y Elendu, habang nakatakas ang dalawa nitong kasamahan na sina  ‘alyas  Kc Bamba  at alyas  Oga Aboy.

Isinagawa ang buy-bust operation sa kahabaan ng Batasan ng pinagsanib na elemento ng PNP DEG SOU-NCR, PNP DEG-IFLD, QCPD-DSOU, NCRPO-RDEU, PS6 Batasan Police Station at BOC CIIS sa  San Mateo Road, Batasan Hills Quezon City na nagresulta sa pagkamatay ng suspek makaraan itong makipagbarilan sa mga atoridad.

Nakumpiska sa suspek ang dalawang (2) kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng 13,600,000 pesos, boodle money, brown wallet na may sari-saring ID, isang cal.45 na may magazine at 1 magazine.

Ayon kay Gen. Medina kilalang drug dealer ang suspek sa lugar ng NCR at iba pang kalapit na probinsya. Inihahatid nila ang kanilang mga gamit sa iligal na droga sa kanilang downline sa pamamagitan ng paglalagay nito sa loob ng isang kahon ng powdered milk at hinahaluan ito ng sari-saring grocery items.

Follow SMNI News on Twitter