North Korea, nagpaputok ng ilang round ng short-range ballistic missiles

North Korea, nagpaputok ng ilang round ng short-range ballistic missiles

MULI na namang nagpaputok ang North Korea noong Lunes ng ilang round ng short-range ballistic missiles patungo sa East Sea tatlong araw pagkatapos nitong maglunsad ng cruise missiles sa West Sea ayon sa militar ng South Korea.

Ang North Korea, ay nagsagawa ng power testing sa super-large warhead para sa isang strategic cruise missile at nag test-fire sa bagong anti-aircraft missile sa West Sea noong Biyernes.

Sinubukan nitong magpaputok ng bagong intermediate-range ballistic missile na may tip na hypersonic warhead kung saan minarkahan nito ang unang paglulunsad ng ballistic missile.

Ngayong taon, mas lalong pinalakas ng North Korea ang weapon testing nito kabilang na ang paglulunsad ng cruise missiles at ballistic missiles na may hypersonic controllable warhead at firing drills na kinabibilangan ng napakalaki at napakaraming rocket launchers.

Dahil dito, lalong humihigpit ang mga pagbabantay ng militar ng South Korea sapagkat ang  hypersonic missile ay mahirap maharang ng missile defend shields.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter