IPINAALAM ng National Printing Office (NPO) na malapit nang matapos ang pag-iimprenta ng balota para sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Election (BSKE) sa Oktubre.
Sa kasalukuyan, nasa 90.62% nang tapos ang pag-iimprenta ng naturang balota na kung saan mas mapapaaga ito kaysa sa itinakdang deadline.
Ipinaalam pa ng NPO na tanging balota na lamang para sa National Capital Region (NCR) ang tatapusin ng ahensya dahil nakumpleto na ang balota na para sa mga rehiyon.
Mababatid na aabot sa higit 66.9 milyong mga balota ang dapat maimprenta na gagamitin sa October 2023 election.
Higit 7.4 milyon ay para sa NCR na siyang pinakalamalaking porsyento ng mga balota na dapat maimprenta.