NTF-ELCAC, pinuri ang mga sundalo matapos ma-neutralized ang isang top NPA leader sa Caraga region

NTF-ELCAC, pinuri ang mga sundalo matapos ma-neutralized ang isang top NPA leader sa Caraga region

HINANGAAN ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa matagumpay na pag- neutralize sa isang top New People’s Army (NPA) leader na nag-o-operate sa Caraga Region na si Myrna Sularte.

Ang naturang operasyon ay pinuri din ni Undersecretary Ernesto C. Torres Jr., Executive Director ng NTF-ELCAC, dahil malaki aniya itong tagumpay ng pamahalaan sa kampanya nito upang matapos na ang komunistang teroristang grupo.

Aniya ang ginawang aksyon ng security forces sa Butuan City ay patunay sa kanilang hindi matatawarang dedikasyon na wasakin ang pamunuan ng NPA at ibalik ang kapayapaan sa Mindanao.

“The decisive action of our security forces in Butuan City is a testament to our unwavering commitment to dismantling the NPA’s leadership and restoring peace in Mindanao,” ayon kay Usec. Ernesto Torres, Jr.

Sinabi pa nito na si Myrna Sularte ay isang high-ranking CPP-NPA operative na responsable sa mga nangyaring kaguluhan sa kanilang lugar kabilang na ang rebellion, arson, at multiple murders.

“Myrna Sularte was a high-ranking CPP-NPA operative responsible for orchestrating numerous atrocities, including rebellion, arson, and multiple murders,” saad ni Usec. Torres Jr.

Binigyang-diin pa ng opisyal na ang pagkasawi ni Sularte ay tanda ng matibay na determinasyon ng gobyerno na protektahan ang komunidad mula sa karahasan at kawalan ng batas na pinapalaganap ng komunistang teroristang grupong CPP-NPA-NDF.

“Her neutralization underscores the government’s resolve to protect our communities from the violence and lawlessness propagated by the communist terrorist group,” ani Usec. Torres Jr.

Aaraw ng Miyerkules February 12, 2025, napatay ng mga sundalo ng 30th Infantry Battalion (30IB) sa ilalim ng operational control ng 901st Infantry Brigade, 4th Infantry Division (4ID) Eastern Mindanao Command (EastMinCom) si Myrna matapos ang nangyaring engkwentro sa Sitio Tagulahi, Brgy. Pianing, Butuan City, Agusan del Norte.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble