NAGLABAS ng matapang na pahayag ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) laban kay ACT-Teachers Rep. France Castro.
Para sa Task Force, si Castro ay kalaban ng bayan at kasabwat ng teroristang grupo na New People’s Army (NPA) sa Kongreso.
“Si France Castro bilang isang member ng Communist Party of the Philippines ay isang miyembro ng legal front organization na siya ngayon ay nagtatano bilang kongresista sa ACT Party-list,” pahayag ni Arian Jane Ramos, Former NPA Cadre.
Inilahad ng rebel returnee na si Arian kung sino ang tunay na pagkatao ni ACT-Teachers Rep. France Castro.
Sa panayam sa SMNI ay sinabi ni Arian o mas kilala bilang ‘Ka Marikit’ sa kilusan, na kasabwat si Castro at iba pang Makabayan Bloc Congressman sa armed struggle ng pamahalaan kontra sa teroristang grupo na New People’s Army (NPA).
Saad niya, pinoprotektahan ni Castro bilang kongresista ang mga NPA sa bundok.
Sabwatan na naging posible dahil napasok ng mga kalaban ng pamahalaan ang party-list system.
“Ang mga tao na nasa urban, sila ang mga tao na nakikibaka para si legal na pamamaraan para protektahan kaming mga NPA na nasa bundok,” dagdag ni ‘Ka Marikit’
Suportado naman ng NTF-ELCAC ang reklamo ng mga katutubo ng Talaingod, Davao del Norte na ngayon ay nakahain sa House Ethics Committee.
Sa isang matapang na pahayag, iginiit ng task force na bilang halal na kongresista, nanumpa si Castro na magiging tapat sa taumbayan.
At nanumpa na kakatawanin nang maayos ang Kamara de Representantes.
“To stress, Castro, as a public official, “shall at all times be loyal to the Republic and to the Filipino people” and “commit [herself] to the democratic way of life and values.” Too, as a member of the House of Representatives, she is expected to “act at all times in a manner that shall reflect creditably on the House of Representatives,” pahayag ng NTF-ELCAC.
Subalit ayon sa NTF-ELCAC, malinaw ang conviction ni Castro sa kasong child abuse.
Tinukoy rin nito na wala nang ililinaw pa ang pagsuporta ni Castro sa NPA na isang teroristang organisasyon.
Mga malinaw na batayan para ideklara itong ‘unfit’ o hindi karapat-dapat na maging kongresista.
“Castro’s criminal conviction and her blatant support of terrorist organizations, which espouse ideals antithetical to the democratic government of the Republic of the Philippines, only show that she is unfit to hold public office. Her actuations, in addition to tarnishing the integrity and reputation of the House of Representatives as an institution, are undoubtedly unbecoming of a public servant,” dagdag na pahayag ng NTF-ELCAC.
Pinuna rin ng NTF-ELCAC ang pa-victim na style ni Castro na tinawag na harassment ang ethics case na kinahaharap.
Punto ng anti-communist arm ng pamahalaan, hindi makalulusot si Castro sa batas dahil convicted ito sa child abuse.
Iginiit din ng NTF-ELCAC na dumating na ang araw ng paghuhukom kay Castro dahil sa reklamo sa ethics committee at hindi rin ito exempted sa batas kahit kongresista.
“Despite attempts to muddle the issue and maliciously impute ill-motive on the complainants, her day of reckoning has come and Castro must face the consequences of her actions. Let this be a reminder to all, no one—not even a sitting member of the Congress—is above the law,” ayon pa sa NTF-ELCAC.
Si Castro kasama si Former Bayan Muna Congressman Satur Ocampo ay nahuli ng mga awtoridad noong 2018 na nandukot ng 14 na menor de-edad na katutubo sa Talaingod, Davao del Norte.
Mensahe naman ng mga katutubo kay Castro…
IP Leader kay Castro: Ikaw at ang NPA ang nagdala ng kaguluhan sa Tribu sa Talaingod
“Si Castro ang nagdala ng problema sa amin. Malinaw na malinaw na ang Talaingod ay wala nang NPA dahil wala na si Ocampo, wala na si Castro, at nasa Maynila na si Castro. Kaya kami, mga pinuno ng tribo, ay nagdeklara na ng persona non grata at nagsampa na ng kaso laban kay Castro para tuluyang mawala siya sa gobyerno,” wika ni Datu Andigao Agay, IP Leader, Ata-Manobo Tribe.