POSIBLENG madawit ang bansa sa nuclear attack.
Ito ang sinabi ni Pastor Apollo C. Quiboloy, hinggil sa presensiya ng United States military bases sa Pilipinas.
Kaugnay nito, kinuwestiyon ni Pastor Apollo ang totoong motibo ng Estados Unidos,
“It’s all possible, because these 9 military bases are American military bases on PH soil. So, what are they here for? They are here for Taiwan, to protect Taiwan, Against whom? Against China. And China claims that Taiwan is a Province of China, which is really true. Even the US succeeded to the One China Policy. And now, There is a fear of invasion of Taiwan, and Taiwan is seeking the help of the US, and so there is a conflict of the geopolitical events that is happening in the South China Sea, particularly, in the strait of Taiwan,” pahayag ni Pasto Apollo C. Quiboloy, The Kingdom of Jesus Christ.
Pilipinas, hindi kalaban ng China at Taiwan sa kabila ng hidwaan sa WPS – Pastor ACQ
Sa kabila nito, sinabi ni Pastor Apollo na hindi kalaban ng Pilipinas ang Taiwan at China.
“Now, Taiwan is not our enemy, is not a Philippine enemy. China is not an enemy of the Philippines, although we have a dispute in the South China Sea (SCS), which we call the West Philippine Sea (WPS),” dagdag ni Pastor Apollo.
Hidwaan sa WPS, maaaring mapag-usapan—Pastor Apollo
Giit ni Pastor Apollo, napag-uusapan naman ang hidwaan sa West Philippine Sea (WPS).
“We have a dispute that we can also always talk about with regards with the conduct of the conflict areas that the ASEAN are also talking about including China” saad ni Pastor Apollo.
Dagdag ni Pastor Apollo, ang nabanggit na hidwaan sa WPS ay hindi na nangangailangan pa ng armed component.
Ngunit ani Pastor Apollo, sa oras na makialam ang US sa tensiyon sa pagitan ng Taiwan at China, at sa oras na gumamit ng missile ang China, posibleng madawit ang Pilipinas.
Ani Pastor Apollo, maaaring bumagsak ito sa military sites ng Estados Unidos na nakabase sa Northern Luzon.
“These are conflicts in the WPS that don’t need any armed component in Northern Luzon,” ayon sa butihing Pastor.
Pilipinas, dapat matuto na sa karanasan ng Ukraine—Pastor Apollo
Kaya naman payo ni Pastor Apollo, dapat matuto na ang Pilipinas sa karanasan ng Ukraine.
Ani Pastor Apollo, naiipit ang Ukraine sa pagitan ng NATO at Russia.
“So, let us look at the lesson of Ukraine…become a NATO member, who is now in the middle of…cities of Ukraine,” ayon sa butihing Pastor.
Samantala, matatandaang inanunsiyo ng Palasyo ang karagdagang 4 na EDCA sites sa bansa kabilang ang Naval Base Camilo Osias sa Sta. Ana, Cagayan; Lal-lo Airport sa Lal-lo, Cagayan; Camp Melchor dela Cruz sa Gamu, Isabela; at Balabac Island sa Palawan.