IPAPATUPAD na muli ngayong linggo ang number coding scheme sa Metro Manila.
Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos., ipatutupad ito mula alas 5 ng hapon hanggang alas 8 ng gabi, Lunes hanggang Biyernes.
Gayunpaman, exempted aniya dito ang mga pampublikong tranportasyon dahil hindi pa rin sila maaring mag-operate ng 100 percent capacity.
Una nang sinabi ng MMDA na plano nilang ibalik ang number coding dahil sa pagdami ng sasakyan sa Edsa ngayong holiday season.