OCD, nagbabala ng mas maraming “The Big One” sa bansa

OCD, nagbabala ng mas maraming “The Big One” sa bansa

NAGBABALA ang Office of the Civil Defense (OCD) ng mas maraming malalaki pang lindol na darating sa bansa.

Sa kaniyang talumpati sa gitna ng Earthquake Preparedness Summit sa Maynila, sinabi ni OCD Administrator Usec. Ariel Nepomuceno na hindi lang isang ‘Big One’ ang dapat na paghandaan ng mga Pilipino at ahensiya ng pamahalaan kundi mas marami pang kalamidad.

Punto ng opisyal, bawat lindol maliit man o malaki ay may kalakip ito na panganib at maaaring buhay ang maging kapalit kung kulang ng paghahanda ang isang komunidad, institusyon, at bansa.

Sa nasabing summit, tinalakay ang mga paalala para sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno, mga pribadog sektor para maiwasan ang mga kaswalidad.

Batay sa pinakahuling tala ng ahensiya, maliit na lamang anila ang naitatalang nasawi sa tuwing may paglindol sa bansa bunga ng sunud-sunod na mga pagsasanay at drills para na rin sa kaligtasan ng mga Pilipino laban sa mga kalamidad.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter