OFW advocate, nakiisa sa Laban Kasama ang Bayan Prayer Rally

OFW advocate, nakiisa sa Laban Kasama ang Bayan Prayer Rally

NAKIISA ang isang OFW advocate na si Coco Naik sa ginanap na ika-2 araw ng 7-Day Laban Kasama ang Bayan Prayer Rally sa Liwasang Bonifacio sa Maynila.

Nagbigay ng suporta si Naik sa mga Pilipino sa isinusulong na pagbabago sa gobyerno at nagbigay ng hinaing sa ginagawang panggigipit kay Pastor Apollo C. Quiboloy.

Ayon kay Naik hindi rin ramdam ng mga OFW ang pagbabago na kanilang hinahangad at hindi naibigay ang inaasahang tulong para sa kanila at kahit ang mga ordinaryong Pilipino ay naghihirap dahil sa pamumuno ng Marcos administration.

Hinikayat ni Naik sa huli ang mga Pilipino na lumaban kasama ang bayan at sinabi nito na sana’y marinig ng mga namumuno ngayon sa gobyerno ang hinaing ng bawat mamamayan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble