LRT 2, may libreng sakay ngayong araw para sa mga kababaihan

LRT 2, may libreng sakay ngayong araw para sa mga kababaihan

DAHIL sa pagdiriwang ng International Women’s Day ngayong araw, Marso 8 ay nag-aalok ang Light Rail Transit Authority (LRTA) ng libreng sakay sa mga babaeng pasahero ng LRT-2 sa mga sumusunod na oras:

Mula alas 7:00 ng umaga hanggang alas 9:00 ng umaga at magsisimula uli ng alas 5:00 ng hapon hanggang alas 7:00 ng gabi.

Ayon kay LRTA Administrator Atty. Hernando Cabrera, ang libreng sakay ng kababaihan sa LRT-2 ay pagpapahalaga at pagkilala ng LRTA sa lakas, kakayahan, at talento ng kababaihan sa kanilang larangan at komunidad.

Mabuhay ang mga kababaihan ng bansa!

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble