OFW lounge sa NAIA Terminal, magbubukas bago mag-Pasko—OFW Party-list

OFW lounge sa NAIA Terminal, magbubukas bago mag-Pasko—OFW Party-list

MALAPIT nang matapos ang ginagawang overseas Filipino worker (OFW) lounge sa loob ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.

Isa ito sa mga programa na itinutulak ng OFW Party-list para sa ating mga modern day heroes.

Ang OFW lounge na ito ay magisisilbing pahingahan ng ating mga balik bayan lalo na yung mga na offload o may delayed flights.

Huwebes ng umaga, personal na ininspeksiyon ni OFW Party-list Representative Marissa “Del Mar” Magsino ang proyekto.

Kasama nito ang mga opisyal ng Manila International Airport Authority (MIAA ) na sina MIAA Assistant General Raffy Regular, Chief, Terminal Operations Nilo Reyes, Terminal Manager Arnel Atis, at Officer in Charge Arthur Salvador.

“Nag file po ang inyong representation, pag salubong natin sa kanila sa Dec.15, bubuksan ang OFW lounge,” ayon kay Rep. Marissa “Del Mar” Magsino.

Kasabay rin nito ay ang pagkakaroon ng health desk para sa mga OFW na nangangailangan ang tulong-medikal.

Posibleng sa Enero naman mabubuksan ang OFW lounge sa NAIA Terminal 3.

Target din ng Party-list na makapagtayo ng mga OFW lounge sa mga pangunahing airport sa bansa.

Payout para sa mga kukuning kuwalipikadong TUPAD worker sa Rizal, inaasikaso na ng OFW Party-list

Samantala, pagkatapos nito, tumungo naman sa bahagi ng Rizal si Magsino para sa 169 na kuwalipikado para sa Tulong Panghanapbuhay para sa Ating Disadvantaged/Displaced (TUPAD).

Ang mga ito ay makatatanggap ng 5,000 payout sa tulong ng Department of Labor and Employment (DOLE) pagkatapos ng sampung araw na pagbibigay ng community service.

Ilan sa mga napiling benepisyaryo ng TUPAD ay mga kamag-anak ng mga OFW sa Rizal.

Isa rin itong maagang Pamasko ng OFW Party-list.

Malaki naman ang pasasalamat ng ilang mga benepisyaryo dahil ang iba, gagamitin ang pera para magkailaw sila ngayong Pasko.

Habang ang iba gagamitin sa medisina at panghanda sa Noche Buena ang matatanggap sa TUPAD.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter