Ogie Alcasid at Odette Quesada, magsasama para sa isang Valentines concert

Ogie Alcasid at Odette Quesada, magsasama para sa isang Valentines concert

MAGSASAMA ang batikang OPM legends na sina Ogie Alcasid at Odette Quesada para sa isang Valentines concert ngayon taon.

Ayon kay Ogie, ito ang unang pagkakataon na makakasama niya si Quesada.

Dagdag pa nito, excited na siya sa collaboration na ito lalo na’t makakasama na niya sa isang stage ang kaniyang tinuturing na ‘personal hero’ noong high school pa siya.

Gaganapin ang nasabing concert sa Newport Performing Arts Theater sa Pebrero 14 hanggang 15, 2024.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble