Ombudsman Martires, naglatag ng solusyon vs korupsiyon

Ombudsman Martires, naglatag ng solusyon vs korupsiyon

MAY solusyon pa umano ang laganap na korupsiyon sa Pilipinas.

Diyan sumentro ang talakayin sa pagdinig sa 2024 budget ng Office of the Ombudsman.

Number 1 ang Ombudsman sa mga ahensiya na nagbabantay sa mga isyu ng korupsiyon sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan.

At sa pagdinig sa 2024 proposed budget ng ahensiya, natanong ang mga tanod-bayan kung tumataas ba ang mga kaso ng korupsiyon sa gobyerno?

“Mr. Chair, is there a trend in the incidence of this rate of these cases? Ito po ba sa tingin niyo po ay nag-i-increase po o nagde-decrease Mr. Chair?” tanong ni Rep. Marissa del Mar Magsino, OFW Party-list.

Ngunit… hindi agad nakasagot si Martires.

Pero kalaunan, inamin ng pangunahing tanod-bayan ang labis na pagtaas sa mga kaso ng korupsiyon.

“Uhm… (natulala siya ng ilang segundo), kung nagtaas po ang incidence ng mga gawaing ito? Ang korupsiyon po ay hindi titigil sa ating bansa. Not even during our lifetime,” ayon kay Justice Samuel Martires, Ombudsman.

Paglalawaran pa ni Martires, nagiging endemic na ang korupsiyon sa Pilipinas.

At tila ba ay nagiging normal na aniya ito ngayon sa mga Pilipino lalo na sa mga taga-pamahalaan?

“Ang korupsiyon po ngayon sa Pilipinas ay nagiging endemic. Ang korupsiyon po ngayon sa Pilipinas ay nagiging parang fashion, becomes a font. Because money becomes power.”

“May mga departamento ng gobyerno na hindi niyo akalain ay corrupt. Akala ninyo natutulog pero mas corrupt pala ‘yun sa ibang ahensiya ng gobyerno na akala niyo ay corrupt,” dagdag ni Martires.

Kaya solusyon ni Martires, paigtingin ang mga hakbang sa pagtuturo ng mabuting asal.

At magsisimula aniya ito sa mga kabataan.

“Ang korupsiyon po sa ngayon ay hindi mapaglalabanan ng batas lamang. All our laws in corruption are post-factum (or) after the fact. Kailangan po natin ng isang haligi na magbabago po ng ating ugali. We have to introduce as I have always been saying a subject from kindergarten until college on God centered values formation,” ani Martires.

At hindi aniya basta GMRC, kundi dapat naka-sentro ang pagtuturo nito sa takot sa Diyos.

Kung hindi aniya ito magagawa, walang pag-asa na mabago ang kultura ng korupsiyon sa mga Pilipino.

“Kung magtuturo lang po tayo ng Good Manners and Right Conduct na hindi po naka-sentro sa Pangingoon, wala hong kwenta yun.”

“To fight corruption, to stop this incidence of corruption, is to introduce a subject through a law. A good manners and right conduction subject that is God-centered,” diin pa ni Martires.

Sang-ayon naman ang mga kongresista sa naging pahayag ng Ombudsman.

Pero, hindi nila inasahan na ganoon ka-tumbok ang mga pahayag ni Martires.

Mga paalala sa kanilang lahat na naglilingkod sa pamahalaan.

“We do not fear hell anymore. Wala hong impyerno ang iba sa atin. So, gumagawa po tayo ng krimen sang-ayon po sa ating kagustuhan. So if we’re talking about corruption, if we’re talking about incidence of corruption if it’s increasing? It is increasing your honors, thank you very much,” aniya.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble