‘ONE Messaging Policy,’ pangunahing estratehiya ng administrasyong Marcos laban sa fake news ayon sa Office of the Press Secretary.
Dumalo si Press Secretary Trixie Cruz-Angeles sa 2022 National Public Relations Congress kahapon, araw ng Huwebes.
Nagsilbi bilang kinatawan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Press Secretary Trixie Cruz-Angeles sa dinaluhan ng 2022 National Public Relations Congress.
Sinabi ni Cruz-Angeles na nagbigay ito ng mensahe sa unang araw ng “The Tipping Point,” the 2022 National Public Relations Congress na inorganisa ng Public Relations Society of the Philippines.
Nagsilbing pagkakataon ang naturang event ayon sa kalihim para ibahagi sa mga kalahok mula sa publiko at pribadong sektor ang ‘One Messaging Policy’ ng pinamumunuan ng ahensiya.
Ito ay bilang pangunahing estratehiya ng administrasyong Marcos sa pagbibigay ng impormasyon at paglaban sa mga mali at hindi totoong balita.
Katuwang aniya rito ang iba’t ibang ahensiya sa ilalim ng Ehekutibo.
Saad ng Press Secretary, malaki ang tungkulin nito bilang communicator sa paghahatid ng tamang impormasyon.
Gayundin ang bigyan ng empowerment ang mga mamamayang Pilipino sa mga pagbabago sa pamumuhay ng bawat isa.
Ang 2022 National Public Relations Congress ay pagtitipon ng mga public relations at communications professional para sa isang makabuluhang pagkakataon na talakayin ang mga napapanahong trend sa mundo ng komunikasyon.
Binigyang-diin din ng Press Secretary ang kahalagahan ng komunikasyon sa mga kinahaharap na pagsubok sa bansa.