BINUO na ang isang one-stop shop upang tumanggap ng mga reklamo mula sa mga biktima ng mapang-abusong online lending applications.
Matatagpuan ang complaint desk para sa one-stop shop na ito sa opisina ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) sa Pasay City.
May kinatawan na rito mula sa National Bureau of Investigation, Criminal Investigation and Detection Group, Philippine National Police at kanilang Anti-Cyber Crime Group, at Securities and Exchange Commission.
Ayon sa PAOCC, sa pamamagitan ng one-stop shop ay mas mapapadali na ang paghain ng kaso.
Noong Abril at Mayo 2025, higit sa 13K na mga reklamo ang natanggap ng PAOCC mula sa mga taong nabiktima ng mga lending app.