PINAALALAHANAN ng Social Security System sa publiko na hindi available ang lahat ng Social Security System online applications ngayong araw ng Nobyembre 30.
Ito ay dahil sa isasagawang system maintenance activities sa Main Data Center ng SSS Building sa Quezon City.
Sa abiso ng SSS, mararanasan ito mula 10am-4pm.
Pinapayuhan na ang publiko na mangyaring iiskedyul ang kanilang mga online na transaksyon bago ang nasabing oras.