Paggamit ng fake access pass sa NAIA, magsasagawa ng masusing imbestigasyon

Paggamit ng fake access pass sa NAIA, magsasagawa ng masusing imbestigasyon

INANUNSYO ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang kanilang isasagawang masusing imbestigasyon hinggil sa mga gumagamit ng mga fake access pass sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na nauugnay sa human trafficking.

Ayon sa MIAA, sa apat na magkakahiwalay na insidente noong nakaraang buwan ng Oktubre at ngayong Nobyembre.

Apat na pasahero ang nagpanggap na empleyado gamit ang pekeng access pass para malampasan ang Immigration counter sa NAIA Terminal 3 na nagtangkang umalis ng Pilipinas.

Ang mga nahuli ay iniendorso sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) para sa disposisyon.

Ang inilabas na pahayag ng MIAA ay kasunod sa pagdinig ng Senado nitong Martes na may kinalaman  sa human trafficking ng mga OFW sa Myanmar.

Follow SMNI NEWS in Twitter