TUMATANGGAP na ang Makati City ng online at onsite job application para sa mga nais mag-aplay ng kahit anong trabaho sa lungsod.
Ito ang inanunsiyo ng Makati Public Employment Service Office (PESO) para sa kanilang programa na online job search.
Bukas ang naturang programa para sa lahat ng naghahanap ng trabaho kung saan ang iniaalok na trabaho ay mula sa bakanteng posisyon sa mga kompanya na nasa lungsod ng Makati.
Para sa onsite job applicants, maaaring isumite ang kanilang resume sa 5th floor sa Makati City Hall Building 1.
Habang isusumite naman ng online applicants ang kanilang resume sa inilagay na link ng PESO sa opisyal na Facebook page ng Makati City.