Online seller ng iligal na paputok, nahuli ng pulisya

Online seller ng iligal na paputok, nahuli ng pulisya

INARESTO ng Philippine National Police (PNP) ang isang online seller ng iligal na paputok sa Sta. Mesa, Manila.

Ayon kay PNP Public Information Office chief police Colonel Redrico Maranan, kinilala ang suspek na si David Michael Carpio, 24 taong gulang.

Isinagawa ang operasyon ng mga tauhan ng Cyber Research Unit (CRU) katuwang ang Manila District Anti-Cybercrime Team (MDCAT) at Explosive Management Division (EMD) ng Firearms Explosives Office (FEO) sa harap ng isang supermarket, kung saan nakumpiska nila ang 200 piraso ng oversized 5 star King Kong firecracker.

Nasa kustodiya na ng PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) ang suspek na mahaharap sa paglabag sa RA 7183 o Act regulating the sale, manufacture, distribution, and use of firecrackers and other pyrotechnic devices kaugnay ng Sec. 6 ng RA 10175 o cybercrime Prevention Act of 2012.

Muling pinaalalahanan ni Colonel Maranan ang publiko na huwag tangkilikin ang mga ipinagbabawal na paputok upang maiwasan ang anumang sakunang maaaring idulot nito ngayong holiday season.

Follow SMNI NEWS in Twitter