MAGDARAGDAG ng tauhan ang Philippine National Police (PNP) para sa kanilang Anti-Cybercrime Group (ACG) upang mapalakas ang paglaban sa cybercrime.
Ito ang inihayag ni PNP chief Police General Rodolfo Azurin Jr. matapos pasinayaan ang bagong gusali ng ACG sa Camp Crame, Quezon City ngayong araw.
Ayon kay Azurin, batay sa kahilingan ni PNP ACG director Police Brigadier General Joel Doria, nangangailangan ang kanilang yunit ng 1,500 na karagdagang tauhan pero sisikapin ng PNP na maibigay kahit ang 500 sa hinihingi nito.
Hindi aniya simple ang pagdaragdag ng tauhan sa ACG dahil kailangang bihasa sa information technology ang magiging tauhan.
Kasabay nito, inatasan ni Azurin ang Directorate for Information and Communication Technology Management (DICTM) na bumuo na kwalipikasyon para sa mga bagong tatanggapin aplikante sa ACG.
